I tolerate curiosity

Thursday, October 4

Unnoticed

Unnoticed, yun ang salitang kumuha ng atensyon ko at gumising sa akin noong nagsimba ako noong Linggo. Ewan ko ba kung bakit, pero tinamaan talaga ako ng salitang iyon. Dahil ba madami akong hindi napapansin sa aking paligid o dahil ako ang hindi pinapansin ng aking paligid?

Sabi ng pari, masama daw ang kumakalimot sa kapwa. Eh bakit parang hindi namin alam iyon. Marami parin sa atin ang patuloy na kumakalimot sa ating kapwa, sa ating lipunan, sa ating kalikasan, sa ating bansa at sa ating mundo. Siguro hindi nila naiisip na masamang kumalimot.

Ako rin ay nakakalimot sa maraming bagay. Nakakalimutan kong magpasalamat sa Diyos, sa aking magulang at sa aking kapwa. Nakakalimutan ko ring humingi ng tawad sa kanila. Kaya siguro nagiging ganito ako. Ang daming nangyayari na hindi ko na maiintindihan.

Yung iba kaya, ano kaya ang mga nakakalimutan nila? May epekto ba sa kanila ang pagkakalimot nila sa iba?

No comments: