Minsan naman, sa sobrang sakit o hirap na nararanasan natin mas gugustuhin pa nating mamatay na lang kaysa sa maramdaman nating ang ganitong paghihirap na unti-unti na rin tayong pinapatay sa sakit.
Minsan naiisip ko nga na parang mas maswerte pa sa atin ang mga patay dahil wala na silang nararamdaman na paghihirap o anu pa. Wala na din silang kailangan problemahin pa sapagkat sila'y patay na. Parang mas magandang mamatay na lang no?
Pero huwag, huwag nating isipin na mas mabuti pang mamatay na lang kaysa maramdaman ang hirap dito sa ating mundo. Isipin na lang natin na isa lamang itong pagsubok na ginawa ng Diyos upang tayo ay mas mapalapit sa kanya. Dahil wala namang binibigay ang Diyos sa atin na hindi natin kaya. Lahat ng ating pagsubok ay malalagpasan din natin sa tulong niya. Kasi, isipin mo, kung wala kang problema, maiisip mo bang magdasal at magpasalamat sa Diyos kahit sa mga simpleng bagay lamang? Maaaring hindi. Kaya dapat tayo'y magpasalamat.
At dapat nating pahalagahan ang ating buhay dahil ito ay biyaya ng Diyos. Huwag natin itong sayangin dahil lamang sa pamomoblema sa ating problema. Idaan na lang natin ito sa saya at tuwa.
No comments:
Post a Comment