I tolerate curiosity

Sunday, October 7

Confused

Maraming naguguluhan sa kanilang buhay ngayon. Lalo pa't makabago na ang ating pamumuhay. Marami ang nawawala sa landas dahil lamang sa mababaw na dahilan. Minsan nama'y nakakagawa ng kasalanan dahil sa kalitohan o kaguluhan sa pag-iisip.

Bakit nga ba naguguluhan ang mga tao? Bakit ginawa tayo ng Diyos na may ganitong katangian? Di ba kung gawa tayo sa imahe ng Diyos, dapat hindi tayo naguguluhan? Bakit naguguluhan din ba ang Diyos?

Siguro nga hindi ang Diyos ang may kasalanan kung bakit tayo nahihirapan at naguguluhan sa ating buhay. Marahil ay tayo ang gumagawa ng sarili nating hirap at kaguluhan. Tayo ang lumilito sa ating buhay kayo tayo rin ang nahihirapan. Dahil maaaring wala sana tayong kaguluhan kung iintindihin natin ang bawat pangyayari sa ating buhay at magtitiwala tayo sa ating Diyos.

Sa ating kalituhan, wag sana tayong maging mainitin at wag kaagad tayong magagalit kung may hindi tayo naiintindihan. Dapat nating tandaan na tayo ang gumawa ng dahilan kaya tayo din ang nahihirapan at naguguluhan.

Ako man ay naguguluhan na sa aking buhay. Ngunit imbis na idaan ko ito sa galit at paghihinagpis, ito ay ipinagdarasal ko na lang sa Diyos na tulungan niya ako sa oras ng aking pangangailangan.

No comments: