Namamaalam na tayo sa panahon noon. Sa mga pangyayaring maaaring nagpasaya, nagpatawa, nagpakaba, nagpaiyak, at kung anu pa sa atin. Ito ay pamamaalam sa mga alaala natin noon. Maaaring sasabihin mo ngayon na hindi mo ito makakalimutan pero sa pagtanda mo at sa paglipas ng panahon ay makakalimutan mo ito.
Kahit noon pa man, marami nang nagpaalam sa atin. At marami pang magpapaalam sa atin. Katulad ng sibilisasyon noon. Nagpaalam na sa atin sa pagpasok natin sa makabagong mundo. Hindi rin imposible na magpaalam na sa atin ang ating kalikasan, ang ating mundo. O kaya'y magpaalam na sa atin ang ating mga kaibigan o kapamilya.
Hindi natin ito maiiwasan. Dahil hindi tumitigil ang panaho. Patuloy itong umiikot at tumatakbo. Kaya dapat maging handa tayo kapag may magpapaalam man sa atin.
Mahirap magpaalam sa isang tao lalo na kung siya ay mahal na mahal mo. Pero wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na aalis na siya at iiwan ka na. Mawala man siya sa buhay mo, patuloy pa ding iikot ang mundo. Kaya mawalan kaman ng minamahal, tuloy pa din, hindi titigil ang mundo. At malay mo may makikilala kang mas mamahalin mo. Kung wala man, magpasalamat ka na lang at kahit minsan ay ipinadama sa iyo ng Diyos ang pagmamahal. At mawala man sa iyo ang lahat, nariyan pa din ang Diyos na handang tumlong at makidamay sa iyo. Kaya't huwag nang matakot at harapin mo ang mundo. Magpaalam ng nakatawa sa mga aalis. Magpaalam ka na at harapin mo ang kinabukasan.
No comments:
Post a Comment