I tolerate curiosity

Tuesday, March 29

Truth hurts

Ang hirap tanggapin, na ako na mahal na mahal ang ginagawa ko, eh mukang hindi para rito. Mahal ko pero hindi ako mahal. Masakit pero mukang ganon talaga. Wala akong magagawa kung ibigay ko man lahat pero hindi naman ito mapapahalagahan. O baka kulang lang talaga. Ang sakit. Gusto ko umiyak. Gusto ko iiyak nalang ang katotohanang hindi para sakin ang mahal kong gawin. Hindi talaga. Ang sakit sakit lang na ikaw na nagbuhos ng panahon, oras, araw, linggo, buwan at taon, para lang sa mahal mo eh mauunahan lang ng isang baguhan na tila minahal lang ang mahal mo ng biglaan. Wala ako sa pwesto upang manghusga kung kailan pa niya minahal ang mahal ko. Baka nga noon pa, baka nauna pa siya sa akin. Masakit lang na siya ang mas may lamang. Siya na di na kailangan ibuhos ang lahat ng pagod at hirap na binubuhos ko para lang gawin ang mahal ko ay mukang mas mahal pa kesa sakin. Ang hirap lang talagang tanggapin.

No comments: