iaapply ako lang ang natutunan ko sa school. sinasabi kasi nila na kung ano ano lang naman daw ang natututunan ko dun. pano kung ang sabi samin na iba iba ang paningin ng mga tao? so malamang, ibang ang pananaw ko sa pangyayaring yon kesa sa kanila. at ano ba? hindi ba nila alam na halos lahat naman ng kabataan nagdaan sa ganitong stage? hay nako.
bakit ba gusto nila parati sa sila ang tama? tapos sasabihan nila ako na hindi sa lahat ng oras ikaw ang tama. ang labooooo.
tang ina. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. ayoko sila harapin. andami kong gustong sabihin sa kanila. lahat as in. praktisado ko pa. paulit ulit na lahat sa utak ko. narerevised pa. pero bakit ganon? tila hindi ako makapagsalita sa harap nila? bakit pag kausap ko na sila eh wala na kong magawa kundi umoo at mag sorry at sumunod nalang muli sa kanila? duwag ba ako? o ayoko lang masaktan sila? siguro. at isa pa, nagsasawa na din ako sa paulit ulit na pagaaway na ganito. nakakabingi na. sawa na ko. ayoko na. hindi ko lang masabi.
ano ba ang tama? ano ba ang dapat gawin?
dapat bang hayaan ko ang sarili ko na ilabas ang lahat ng galit ko sa kanila dahil sa hindi nila pagkilala sa tunay kong sarili at hayaan silang masaktan sa mga sasabihin ko? o dapat ko nalang ba itong palampasin at hayaan nalang ito tulad ng mga dating pangyayari tutal sanay na ako sa ganito? hay nako.
hindi naman kasi nila ko maintindihan.
No comments:
Post a Comment