I tolerate curiosity

Tuesday, July 29

tula :)

pinapagawa ako ng tula ng kapatid ko in TAGALOG. haha. minsan lang ako gumawa ng tagalog poem. well, para lang naman sa hw ng kapatid ko to eh. haha.
tinatamad ako magsulat kaya dito nalang niya kunin. :P

Hiling

nais kong makakita ng bituin,
at magdasal ng nakapikit
para matupad ang isang hiling
na parati kong pinipilit

ako'y nakatingala sa hangin
na may maraming ulap
sa gabing madilim
naghahanap ng kumikislap

umaasa na may bituin
kahit alam kong wala
para matupad ang isang hiling
kaya ako'y makakita sana...

Pag-asa

aasahan kita, maaasahan mo ako
ikaw at ako ay may pag-asa
basta lang ay magtulungan tayo
kalimutan muna ang problema
magisip at imulat
ang mga matang nasilaw na sa pera.

ikaw at ako ang tanging pag-asa
satin nakasalalay ang buhay
ng bawat mamamayan o masa
sana lang ito'y maging tunay

ikaw at ako ang ating kailangan
malalampasan kahit ano man
ating tiwala at pagkakaibigan
aabot sa walang hanggan...


ang corny ko :)) corny ba?? :P

No comments: