basta napakasaya ko dahil nailabas na namin ang lahat. wala ng problema. sana maging tuloy tuloy ito.
kung di nyo alam, ilang araw din patuloy ang pagtira sa amin ng napakalakas na bagyo. hindi ang bagyong ulan kundi bagyo ng luha. kung may ganun man. pero oo. ilang araw na naming bitbit bitbit sa amin ang pighating nagumpisa lang sa isang simpleng argyumento, na lumala ng lumala hanggang sa magkayayaang maghiwalay para matigil na ang lahat.
ngunit kung malakas man ang unos, mas malakas ang boses ng pagmamahal namin sa bawat isa. pinakalma ang lahat. isa isang nagsalita. naghanap ng solusyon, nagkapatawaran at nagdasal.
masasabi ko lang ay sa bawat pagtila nang ulan, may panibagong simula, may panibagong pag-asa, pag-asang ayusin ang sarili at magbago.
sa wakas natapos din, kasabay ng pagtila ng ulan. :)
No comments:
Post a Comment