dapat hindi nalang ako naging usisera. nakakainis pala. kasi naman kung hindi ko nalang sana nalaman yun, edi wala sana kong iniisip at pinoproblema ngayon. dapat kasi hindi na talaga ako naging usisera. dapat hindi ko na pinapakialaman yung mga bagay na hindi naman para sakin. yan tuloy, nagkakaproblema tuloy ako.
kasi naman, masyado ako nagiisip ng masama. hindi yung masama na gawain kundi masasamang pangyayari. tapos naghanap pa talaga ko ng pruweba kung totoo. totoo nga. grabe. nang malaman kong totoo nga ito, hindi ko na alam ang gagawin ko. sasabihin ko ba ito sa mga taong dapat makaalam o itatago ko nalang sa sarili ko para walang masasaktan?
ayan tuloy. ang usisa ko kasi. pinagsisisihan ko na ang lahat ng ito. ngunit wala na akong magagawa pa. nangyari na eh. hindi ko naman pwede ibalik ang oras o kaya kalimutan ang nalaman ko. grabe na ito.
pagsinabi ko naman ang nalalaman ko sa iba o kahit sa isang tao, maaaring magdulot ito ng gulo. at masasaktan pa ang iba lalo na ang mga mahal ko sa buhay.
siguro tama lang na wag ko nang sabihin pa sa iba tutal ako lang naman talaga ang nakakaalam nito. pero may maaari din namang makaalam ng isa parte dito pero ako, alam ko ang lahat. wag na lang.
mananahimik na lang ako at habambuhay ko itong itatago sa aking sarili. sana nga lang ay tama ang aking desisyon. at sana hindi ako konsensyahin dahil para naman din ito sa ikabubuti ng lahat.
mahirap talaga kapag isa kang usisero.
No comments:
Post a Comment