I tolerate curiosity

Friday, December 7

ayan kasi, hindi pa ko natuto. T_T

eto, nung wed, habang naglalakad kami ni patty, biglang, "miss may nahulog." at meron nga. nalaglag yung id ko at ung nakasabit sa id lace ko. buti na lang may nakakita at nakapansin.

pero malas, walang nakapansin kanina eh. ayan tuloy. (alam niyo na siguro...)
NAWALA ANG ID KO!

kasi naman, masyado ko minamadali papuntahin ng kapatid ko sa la salle, tapos nagmamadali din ako dahil may practice pa kami sa p.e. ayan tuloy.

ayun. bale umalis na ko ng bahay, tapos sumakay ng tricycle. sa pagkakaalam ko, nandun pa ung id ko nung nakasakay pa ako. tapos sumakay na ko ng jeep. pagkabayad ko, sabi ko "studyante po." biglang tingin sa id lace ko. at ayun na. nawala na pala ang id ko. nakakainis. balak ko pa sana siyang balikan kahit malayo layo na yun at kababayad ko palang. kaso, hindi ko na alam ang gagawin ko, masyado ko nataranta. at ayun. hinayaan ko nalang, hindi ko na ito hinahap.

kung sa tingin niyo medyo mababaw ang dahilan kong ito, okey lang. pero sobrang naluluha na ko at gusto ko ng umiyak sa jeep noon. pero nakakahiya, kung ano pa isipin nila sakin.
ayun. nakarating nako sa la salle at pinag-antay naman ako ng kapatid ko.tsk. tapos sinabi ko sa kanya ang nangyari. nainis siya sa umpisa pero wala na rin namang kaming magagawa. nawala na eh.

matapos nun, dumaretso na ko sa ust. habang sakay sa jeep, iniisip ko, "papapasukin kaya ako nito?" pero malamang hindi. pero oo din eh, sinabi ko na nawala nga ang id ko at magpapagawa ulit ako ng bago. so ayun. tuloy nalang kami sa practice. kinalimutan ko muna yung problema ko.

pero ng maalala ko ulit, tinanong ko na kung pano pero ang sabi kelangan daw ng reg form, kaya wala rin akong magawa. sa monday ko pa tuloy ito mapapagawa.kaya bigla akong nagsisi. nakakainis naman kasi. hindi pa ko nadala nung isang araw. hinayaan ko pa itong mangyari muli at tuluyan ng mawala.

ayan kasi, hindi pa ko natuto. tsk.

No comments: