Minsan, sa saya at dedikasyon mo sa ginagawa mo, nais mong ibigay ang lahat. Magpupursigi, magtitiyaga, magsisipag para lang matapos ang ginagawa ng maayos at maganda. Pero minsan, sa pagpupursigi mo sa trabaho, ikaw na lang ang nakakapansin nito. Ang iba, walang pakialam. Oo, natutuwa sila dahil nagagawa mo ang iyong trabaho. Pero, kapag ito'y hindi naman nakakaapekto sa kanila o wala itong maitutulong sa kanilang gawain, minsan ay hindi na nila ito gaano pinapansin.
Nakakawalang gana, ano? Eh lalo na siguro kung ikaw ay nagkakanda hirap sa iyong trabaho tapos ay ang kasama mo nama'y petiks petiks lang pero siya pa ang napansin at napuri na magaling. Nakakawalang gana lang talaga. Nagsayang ka lang ng oras at lakas para sa trabaho mong walang kwenta.
Nakakainis isipin na lahat ng pinaghirapan mo ay hindi na papahalagahan. Hindi nakikita kung gaano mo pinaghirapan iyon tapos matatalo ka pa ng taong hindi man lang pinagisipan ang trabaho.
Talaga nga namang hindi patas ang mundo, no? Ang ibang tao, mas madali ang buhay na tinatahak, ang iba, kailangang maghirap. Pero malay natin. Gawa siguro ito ng Diyos dahil ang iba ay may kailangan pang matutunan kaya sa matinik na landas siya pinadaan. Ang iba, mabait na mabait siguro, kaya pinag-shortcut na. Para siguro sa kanila ang kantang may lyrics na, "Ambait mo naman sana kunin ka na ni Lord".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment