I tolerate curiosity

Thursday, August 28

ayoko na magblog. :|

anlabo eh noh. ayaw magblog tapos eto ako nagbblog. haha. eh kasi wala lang. nakakawalang gana na magblog. tinatamad na ko. tas lalo pang nakakatamad kasi alam ko namang walang nagbabasa nito. tas nakakatamad nadin kasi patay din naman tong site ko eh. so what's the use diba? chaka madami dami nadin akong ginagawa at wala na kong time. weh. haha. oi totoo yan. minsan minsan na nga lang ako nagiinternet eh. haha.

at chaka naisip ko din, bakit nga ba ko nagbblog? ano ba napapala ko dito? meron siguro, tulad ng paglalabas ng saloobin, masaya man o hindi, at pwede nading gawing bulletin boards pang announce, at syempre pa, ang uso ngayon, libreng advertisement ng tinitinda mong mga gamit.

pero bakit nga ba ang mga tao'y di magkandamayaw sa pagbblog? kahit na alas tres na ng umaga, hindi makatulog, magbblog nalang para lang sabihin sa buong mundo na hindi siya makatulog. minsan naman, kahit ano na ang nilalagay basta lang makapagblog (tulad ko. haha). para ano? wala lang. papansin lang.

bakit nga ba at kelan nga ba naging ganito ka-essential ang pagbblog? nabuhay naman ang mga tao noon na gamit lamang ay bolpen at papel. chaka wala sa isip nila ang ganitong uri ng pag-eexpress ng sarili. ikaw ba, naisip mo ba simula noong bata ka pa na magblog?

at eto pa. di ba magbblog ung isang tao. sabihin nating tungkol ito sa sikreto nya na may nunal siya sa singit. bakit nya ipapaalam sa lahat ung sikreto nya eh sikreto nga yun? ang laboooo.

hay basta.

ano ba to. ang gulo ko talaga. sabi ko na ngang ayoko na magblog tapos eto, ang haba pa ng nagawa ko. ay ewan. basta. siguro magbblog nalang ako paminsan minsan para naman buhay tong site ko. haha. at panigurado, walang kwenta rin yung ibblog ko in the future gaya nito

Thursday, August 21

ang emo nito. :D

tonight i'll sleep with tears on my face, as i say goodbye to the good old days..... :|

Sunday, August 3

natapos na din sa wakas, kasabay ng pagtila ng ulan

anlakas ng ulan. tuloy tuloy. buong araw. pero tumila ito ng isang beses. at sa isang beses na iyon ay natapos din ang lahat. isang napakasayang umpisa pagkatapos ng isang unos.

basta napakasaya ko dahil nailabas na namin ang lahat. wala ng problema. sana maging tuloy tuloy ito.

kung di nyo alam, ilang araw din patuloy ang pagtira sa amin ng napakalakas na bagyo. hindi ang bagyong ulan kundi bagyo ng luha. kung may ganun man. pero oo. ilang araw na naming bitbit bitbit sa amin ang pighating nagumpisa lang sa isang simpleng argyumento, na lumala ng lumala hanggang sa magkayayaang maghiwalay para matigil na ang lahat.

ngunit kung malakas man ang unos, mas malakas ang boses ng pagmamahal namin sa bawat isa. pinakalma ang lahat. isa isang nagsalita. naghanap ng solusyon, nagkapatawaran at nagdasal.

masasabi ko lang ay sa bawat pagtila nang ulan, may panibagong simula, may panibagong pag-asa, pag-asang ayusin ang sarili at magbago.

sa wakas natapos din, kasabay ng pagtila ng ulan. :)