Pwede bang may on-off button ang buhay? Sana kasi meron. Para alam mo yun, pag ayaw mo dun sa isang moment sa buhay mo, pwede mo munang i-off tapos pwede ka munang mawala dun sa part na yun? ang hirap i-explain. Basta when there's a point in you life that you wanted to disappear or to not exist for a while kasi hindi mo gusto yung nangyayari sa paligid mo, yung hindi mo nakakasundo yung mga tao, yung wala kang maramdamang nagmamahal sayo. Pwede kaya i-off muna ang buhay tapos babalik nalang kapag wala na yung moment na yun? ang hirap lang kasi pagdaanan yung mga ganong panahon eh diba? pero siguro nga kelangan natin lampasan yung mga yun kahit masakit. siguro kasi kung wala namang sakit na mararamdaman ang mga tao edi ano pa ang matitirang motivation natin para mabuhay? maaga na siguro tayong namatay, masaya naman kasi parati eh. pag nagkaroon tayo ng hindi natin ninanais na maramdaman, gusto natin parating kalimutan ito at magmove on nalang or i fast forward lahat.kung pwede lang. yung pagnakipagbreak sayo ang boyfriend mo, i ffast forward mo nalang or iooff mo muna buhay mo tapos babalik ka nalang pag tapos na at wala na yung sakit, okay ka na ulit.
Ang hirap. Ganun naman talaga ang buhay. Minsan kelangan talaga nating matikman ang pait ng mundo para lang magsumikap pa tayo at makalampas rito. Kawawa nga lang yung mga taong hindi na kinakaya at tuluyan na nilang pinatay ang on-off button ng kanilang buhay. Sayang naman. Hindi na nila muling mabubuksan ito. Pero parang okay din yun, ipaputol ko nalang din kaya ang buhay ko, ng sa ganon, hindi ko na maramdaman yung sakit at poot na nararamdaman ko. joke lang. ayoko. kasi kahit ano pa man yun, alam ko namang mawawala din yun, sasaya uli ako. hindi ako papayag na ganun lang ang papatay sakin. hindi pwede. ambabaw.
Sana lang talaga may on-off button, hindi ko kelangang mamatay, gusto ko lang mawala dun sa mga sitwasyong hindi ko kayang maramdaman.
Subscribe to:
Posts (Atom)